March 01, 2012

...Win a friend!

Journal Entry # 12
Mar 1, 2012




Buy a Comics, Win a Friend! :D

I need to catch up! There's really a lot of things that I plan to do! Sunod-sunod na ang mga events, kaya hindi dapat pumetiks-petiks, galing akong Baguio noong linggo Feb 26, dahil sa 2B3C (Baguio Comic Con) sabay ito sa Panagbenga 2012. Oks naman ang event nakipag-jamming ulit ako sa mga comics artist na andun, salamat nga pala kila Jon and the gang sa free ride, muntik na akong di makauwi sa dami ng tao, balita ko nga sa taxi driver na nasakyan ko, madaming hindi makakauwi kasi fully-booked ang lahat ng Bus, buti na lang sa Pangasinan ako uuwi nun, saka may kolorum na Van akong nasakyan ahaha. Nameet ko dun sila Amado, Benj,Mike and the gang, galing ng komiks nila! astig! Natuwa rin ako kasi binigyan ako ni Jon ng Gen. Andila fan art! yey!

Now let us go back to the comics topic, bale ilalabas ko ang Mukat issue 5 sa Summer Komikon, gagawin ko palang yung Cover page at tapos na, naayos ko na yung loob ng komiks. Bili kayo ha? :) Tuloy pa rin ang Digmaang Salinlahi colab namin ni Jon Zamar, sa mga hindi pa nakakabili ng Isyu 9 ng DS ako yung artist dun bili na din kayo, pinaghirapan namin yun! Itinutuloy ko din yung isa pang colab namin ni L.R.(secret muna), syempre yung Lucky Coin ko sa Neverheard Web Comics every friday ang update, hanggat maari gumagawa ako ng page per week, may 1-page comic din ako ng kakatapos lang para sa May event, at finally natapos ko na rin yung 3-page perview superhero komiks namin sa AKDA. Oo na hindi na ko masyadong busy, dagdag pa yung pasulpot-sulpot na request na caricature (sa mga nagpapagawa ng libre, pasensya na muna kayo, kailangan ko din naman mabuhay, I hope you understand) Napahaba na ata ang entry ko, kita-kits tayo sa summer Komikon! :D

Mel Casipit all-in-one creator of Mukat Comics

No comments:

Post a Comment