Journal Entry #48
5/29/2012
Magandang araw mga kaibigan!
It was my first time to attend the Komikon and it was a day to remember! Di lang si Mark Millar ang nakita naming pero pati mga artista, like Jinri Park. Woo Hoo!
The first person to arrive at the Bayanihan Center was Patrick. Early bird nga talaga yang kasama kong yan. It was a struggle riding the MRT with our comics. Inaalala ko na baka malukot yung copies ng comics naming pero I was glad na hindi, kahit siksikan. I arrived around 9AM and asked Patrick to help me set up. Sarap ng temperature sa Bayanihan Center, malamig at comportable.
We were glad that a couple of early birds bought a copy of Guantes, kumbaga eh mga buena mano. Thanks nga pala kina SilentSanctumManga, Allen Geneta, Tepai Pascual and JB Casacop who bought our comics early in the day. Dumalaw din sa table namin sina Raymund Bermudez, Gabriel Chee Kee, Wilson Tortosa, Erico Calimlim at si sir Gerry Alanguilan. For us, it was an honor for these people to buy our comics and have a chat with us. Pasensya na at mga certified fanboys talaga kami eh.
Overall, it was a great experience para sa aming lahat. Marami din kami nakilala na mga co-indie comic creators and siyempre, we’re hoping na we’re building bridges with these people. Mas masaya ang magkaroon ng maraming kaibigan, lalo na sa industriya natin. We’re regrouping and finalizing our next projects, para sa susunod na komikon eh meron kaming magandang ilalabas ulet sa mga mamimili.
Kita-kits ulet mga kaibigan at sa next komikon, eh bibili na ako ng mga gawa ninyo. Para makapag start na rin ako ng indie komik book collection ko ^_^
Good luck at steady lang tayong lahat.
Kahlil Baet
Writer: Guantes and Empathy Inc
No comments:
Post a Comment