June 01, 2012

Komiks, Suki?

Journal entry #50
05/31/2012



Para sa mga taong may ibang mundo bukod sa paggawa ng komiks tulad ng tatlong bumubuo ng Salmon Komiks, parang isang malaking exciting na school project ang pagbuo ng indie para sa Komikon. Pangalawang issue na 'to ng Salmon Komiks kaya medyo kampante ako na matatapos kami on time. At dahil nabanggit ko ang school project, isang word lang ang malamang na kasunod n'on: NGARAGAN.

Natapos kami ng mga 3 am, at 12:30 pm na kami nakapagbenta nung event. Siyempre kabado kami na magbenta dahil late na kami naglatag ng mga epektos namin, pero bilang alam namin na wala kaming choice kundi maghapit ng sales, ginawa ulit namin ang strategy namin nung Komikon '11, ang mag-ingay. Talagang mag-ingay.

Ang saya lang na magtawag ng mga potential buyers ng komiks nyo. You get to see them smile or yung iba, lumihis ng tingin o nag-bi-busy-busyhan dahil ayaw bumili. Hahahaha! Daig pa namin ang nasa Divisoria! Masaya din na iligaw sa mga buyer 'yung komiks ng kapit bahay mo sa lamesa. Ipo-promote mo komiks nila at ipo-promote din nila komiks mo. May nagtanong pa nga kung galing lang sa iisang grupo yung Salmon Komiks at Krisis Komiks (sila ang katabi namin), sabi ko na lang, iisa kami ng puso. (Echos pero totoo!) 





In the end, naubos ang 50 copies namin. Iba talaga ang high ng Komikon. Para kang nakatira ng kung anong substance! So ikaw na nagbabasa, next time, gumawa ka na rin ng indie. Masaya maglibot sa Komikon, pero iba ang sipa kapag nagbebenta ka ng sarili mong gawa. PRICELESS.

'Yun lang.
Nica Rojo (Salmon Komiks)

1 comment:

  1. Here's the review from one of your sukis: http://ekmisao.tumblr.com/post/23931926986/salmon-komiks-2-rojo-palmares-garin-palmares

    ReplyDelete