Journal Entry #56
6/27/2012
Hi Journal
Ako si Francis Martelino, yung gumawa ng "HOPE"," Hotdog Prince" at " Ano ang gagawin mo sa 24 oras na natitira bago gumunaw ang mundo?" Ako rin ung isa sa mga founder ng KOMIKULT. Heto na last day na ng pasahan ng requirements para makapasok sa Indieket. Hindi pa rin ako mapakali hanggat sa makareceive ako ng email na nagsasabing talagang pasok na ang KOMIKULT sa Indieket. Sana makapasok kami para makastart ng magpromote ng komiks kasi isa un sa mga pinakamasayang part ng pagkokomiks.
Gusto ko lang i-share sa inyo yung 1st run ng KOMIKULT sa Komikon. Sobrang saya ng experience kasi sa wakas mababasa na ng mga tao yung storya na gawa mo. Hindi ko akalaing magiging ganun kasuccessful ang una naming try. Bukod sa ndi kami nakapaghanda ng maige, puro last minute ung mga ginawa namin preparations including ung komiks. Andami ring setback. Biglang nasira ung printer, nasira ung photocopy machine ng paborito naming xeroxan, nagkulang ng pamasahe pampunta sa mga group meeting at marami pang iba. Kaya rin siguro ako tuwang tuwa nun kasi pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan namin ay nagbunga anman ang aming paghihirap. Bilang baguhang grupo, starstruck kami sa mga nakita naming favorite komiks writers/artists. Ang galing lang e, isang araw binabasa mo gawa nila at nangangarap kang maging kagaya nila isang araw, tapos ngayon after ilang years, pareho na kayo ng ginagawa. Tandang tanda ko pa, umaga nung komikon. Nagaayos na kami ng table ng bigla naming namalayan na na katapat na booth pala namin ung mga idol namin mula sa Culture Crash. Grabe lang, akala ko lalangawin yung booth namin dahil natapat kami sa kanila pero buti naman hinde. :D Nandun din pala si Jinri Park. Wala lang. Sumali din kami dun sa komiks creations contest pero ndi kami nanalo. Sana merong copy na binebenta ung mga winners ng contest para mabasa ko gawa nila. Natapos ang aming komikon experience sa Jollibee kung san namin ginastos ang lahat ng kinita namin.(Bukod sa komiks)
Hindi pa dun nagtatapos yung saya ng Komikon experience. Pagkatapos nun, marami kameng nakuhang feedback mula sa mga bumili ng komiks namin. Sobrang nakakagaan lang sa loob na ma nakaappreciate ng gawa mo at ndi nagatubiling sabihin sayo yun. Malaking bagay yun samin bilang mga komiks artist. O baka ako lang kasi first time ko. Hahaha. Hindi lang namin alam, na baka yun na yung last naming Komikon. Dahil ilang linggo lang pagkatapos nun sinorpresa kami ng INDIEKET. Ang ROYAL RUMBLE sa WRESTLEMANIA ng Komikon. Nung una, sabi ko sa sarili, parang imposible na talaga makapagkomikon ulit. Top 10 sa sales ang kelangan at wala kami ganun karaming time para makagawa ng bagong komiks. Pero sabi nga nila "Kung gusto may paraan, kung ayaw ay laging meron palusot." Napagtanto ko rin na maganda rin na may event na talagang pang indie komiks lang. Spotlight sa mga artist na suki sa mga xeroxan. Hula ko balang araw magiging kasinlaking event nito ung Komikon. Kung sino man nakaisip ng idea na ito ay talagang dapat bigyan ng standing ovation.
Tatapusin ko ang entry ko para pasalamatan ang Komikon at yung mga bumili ng komiks namin. Seryoso, sino bang matinong tao ang bibili ng komiks tungkol sa isang hotdog na naglalakad sa panahon ng kastila? Salamat talaga! Sana rin dumaan kayo sa booth namin kung sakaling makapasok kami ng Indieket. Tapos Komikon hopefully. :D
-Francis Martelino, salarin sa paggawa ng HOPE, Hotdog Prince, at Ano ang gagawin mo sa 24 oras na natitira bago gumunaw ang mundo?( from KOMIKULT)