January 23, 2013

Komikero to Animator to Komikero to.....

Entry # 65
1/18/13



Hello!! nice to meet you journal,

Kagagaling ko lang sa Book Sale bookstore at National bookstore sa SM para maghanap ng mga reference for Improving my Art.  Since Manga style na ako familiar eh napagtripan naman ngayon ang Marvel..kakabili nga lang ng 3 copy this month.  Why Marvel comics naman ngayon? Yun kasi yung pinaka good for Realistic style sa tingin ko na pwede kong pagpraktisan...dahil sa napasok sa pagiging Animator.... yan na, todo sikap na ngayun...Alam ko kasi na pag napasok ka sa Animation walang pinipiling styles..lahat dapat alam mo lahat at makakapag-adapt ka..pero bat nga ba animation pinag uusapan dito...balik Komiks naman.





Malapit na Komikon at wala pa siguro akong mapapakita na Komiks ko sa Kon...busy talaga buhay...Mon-Fri ang pasok..Sat-Sun Manga commission naman..yung Komiks ko na Cutting Glasses di ko na naasikaso kaya yan, wala nanamang mapapakita sa Komikon ngayung April.. 2010 summer komikon pa ako nakapag-participate with my one-shot manga Saltless Peanut.




Pero abangan nalang yung ang mga Shortcuts ng BlackInk dahil may works din ako dun at sa darating pa.  I'm seeking more improvements pa sa art ko para makapag-ambag sa Komiks and Animation industry sa bansa naten...Proud to be I'm working on it na talaga at sana balang araw eh maanimate ko na ang sarili kong manga dito sa Pinas!

-- nate153624    


January 18, 2013

3 MONTHS NA LANG

Journal Entry # 64
01/17/13

Oi  journal musta?!

Ako nga pala si Cyrus “tarot” Romanes, nakatira sa isang liblib na bayan ng Cavite, isang nagsusumikap (weh?) na indie artist, ako yung may likha ng “LOVE RIOT” under “FHATE COMICS” kung nakabili na kayo at nabasa nyo na ang komiks namin maraming maraming salamat at kung di pa naman kayo nakakabili eh bumili na kayo please me free namang lobo at tsinelas eh.


Nakakatuwang isipin na napasok ako sa pagko komiks, bata pa naman kasi ako eh hilig ko na talagang magdo drawing ng kung ano ano, tsaka mana ako sa tatay kong nagkomiks din dati nung patok na patok pa ang komiks sa masa. Napasali ako sa isang grupo ng mga sira ulo (FHATE COMICS) at yun, presto nagkaroon na ako ng chance na mailabas yung komiks ko kahit mukhang tanga lang yung gawa ko,astig no?At yun, dun na nagsimula lahat, drawing drawing drawing, gawa gawa  ng mga page, tulog tulog tulog, kala mo professional lang haha. Sugal ang pagko komiks lalot indie artist ka lang, gawa ka ng gawa ng mga pages pero walang magbabayad sayo, malaki ang ibubuhos mong pagod at atensyon (minsan di na makaligo..uhm ako lang ata yung ganun) para lang makagawa ka ng isang obra na di naman tatangkilikin ng karamihan, kaya sugal talaga, ang bubuhay na lang sayo eh yung motivation mo at puso mo, kung mahal mo talaga ang ginagawa mo. At yun, hanggang sa maka attend ako ng KOMIKON. ASTIG!!!  Ang daming tao,  ang daming mga  professional artist, ang daming lamesa at mga mabibiling komiks, merchandise, posters, mga nag co commission, karne at isda! Ang saya pala maka punta sa ganung event kasi makakasalamuha mo yung mga taong nagmamahal sa pagdo drawing at mga nagmamahal sa komiks. At swerte ako kasi nakapagbenta din kami ng komiks namin, astig!hardcore!  Ang sarap sa pakiramdam nun, dahil alam mo nang di ka nag iisa sa isang mithiin na buhayin ang industy ng komiks dito sa bansa at iligtas ang mundo mula kay Freeza, lalo kang ma I inspire magpatuloy at pagbutihan pa ang pag gawa.


At ngayon nga, 3 months na lang SUMMER KOMIKON na ulit, kailangan nang maghanda at mag warm up para maka habol sa dealine ng submission para mailabas ulit ang bagong chapter ng komiks. Ihahanda na naman ang magulong mesa, papel, lapis, marker, pens, sabon, plantsa, etc.  Mag iisip na naman kung paano ang panelling ng bawat pages, (pero mas matagal pa minsan ang paghilata sa pag gawa ng pages) at kung pano mas gagawing nakaka excite ang bawat storya. 3 months na lang at makakasalamuha ko na ulit ang mga mamaw na artist, mga comic lovers, mga comic buyers , enthusiasts, si manong guard ng bayanihan center at mga kapwa ko indie artist na nagbebenta din ng kanilang mga komiks. 3 months na lang at mailalabas ko na ulit ang bagong chapter ng storya ko na kahit walang pumapansin eh ipagpapatuloy ko pa din dahil di importante ang dami ng readers mo, mas mahalaga eh mahal mo ang ginagawa mo, may puso, dedikasyon, at di mo to ginagawa para lang sa intensyong sumikat at makilala. 3 months na lang, para sa bagong hakbang pa akyat sa pagtupad ng aking pangarap bilang artist (BG music : Eye of the tiger). 3 months na lang, para sa bagong yugto ng pagsulong at pagbuhay ulit ng Pilipino komiks. Maraming salamat sa mga sumusuporta, at sa mga haters(kung meron man (feeling sikat?)) salamat dahil senyo mag iimprove pa ako lalo. J

Cyrus “Tarotski Tarot” Romanes, may likha ng “LOVE RIOT” mula sa koponon ng Fhate Comics